Lalabanan ng Tropang Texters ang Gin Kings ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pakikipagtuos ng Bolts kontra sa Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
PBA Media Bureau
Bolts pupuwesto na sa quarters
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itatampok ng TNT Ka­tropa ang debut ni No. 2 overall pick Bobby Ray Parks Jr. sa kanilang pagsagupa sa Barangay Ginebra habang hangad na­man ng Meralco ang opisyal na pagpasok sa eight-team quarterfinal round.

Lalabanan ng Tropang Texters ang Gin Kings ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pakikipagtuos ng Bolts kontra sa Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nagmula sa kabiguan ang TNT Katropa na nagbigay sa kanila ng 7-1 record kasosyo ang NLEX sa liderato habang asam ng Ginebra (5-3) na makabawi sa kabiguan.

Nakuha ng Tropang Texters ang 6-foot-4 at 26-anyos na si Parks mula sa Blackwater Elite (2-8) kapalit sina Don Trollano at Anthony Semerad at isang 2021 first round draft pick.

Ang anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks ang inaasahang sasalo sa naiwang trabaho ni star guard Jayson Castro (calf injury) at makakatuwang nina import KJ McDaniels, RR Pogoy, Troy Rosario at Mike DiGregorio, kakampi niya sa Elite.

“Each and everyday, we are learning, getting better, and working out the kinks,” sabi ni Parks.

Samantala, tinapik ng San Miguel si dating Cleveland Cavaliers guard John Holland para pansamantalang palitan si Dez Wells (ankle sprain).

Ipaparada ng Beermen si Holland, inaasahang darating ngayong araw, sa pagharap sa Rain or Shine Elasto Painters (2-7) bukas sa Lapu-Lapu City, Cebu.

MERALCO BOLTS PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with