Kulang ‘man, napupunan pa rin
ABYLIEVE - Aby Maraño (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2019 - 12:00am

(first part)

Papalapit na nang papalapit ang SEA Games, higit na tumitibay ang women’s volleyball National Team dahil sa rami na nang napagdaanang pagsubok. Early this year nadurog ang puso ko nang malaman kong hindi na makakapaglaro pa ang Santiago Sisters na sina Jaja at Dindin Santiago-Manabat sa team dahil nagpatuloy ang karera nila bilang mga Asian imports. Gayunpaman, bagama’t hindi ko inaasahan na wala sila sa pinakahihintay na torneo ng taon ay ikinagalak na rin ng aking kalooban ito dahil may magandang oportunidad ang naghihintay sa kanila roon sa Japan. Hindi na nila nagawang umabot sa training camp namin sapagkat nagsimula na rin ang preparasyon nila para sa liga roon.

Bagama’t ganito ang naging sitwasyon, hindi pa rin kami nawalan ng loob dahil may mga bagong breed na dumating sa team namin tulad nina Roselyn Doria at Maddie Madayag, parehas na middle blockers at kapareha ng playing position ng Santiago Sisters. Nariyan din naman sina Alohi Robins-Hardy at Kalei Mau, ang dalawang Phil-Hawaiian na malaking adisyon sana sa team hanggang sa nitong Setyembre lang ay nanlumo ako nang malaman kong hindi rin mapagbibigyang makalaro sa SEA Games si Alohi dahil sa komplikasyon sa kanyang citizenship at ibang mga dokumento na kakailanganin upang maisyuhan siya ng pasaporte rito sa Pilipinas. Nagsunud-sunod ang mga pagsubok na ito sa team ngunit hindi pa rin kami natinag. Nanalangin ako kasabay ng mga coaches na sana malunasan ang mga gusot na ito bago magsimula ang SEA Games. Hindi nagtagal, dininig din ng Diyos ang panalangin namin at napaunlakan ni Rhea Dimaculangan ang imbitasyon na magsilbi para sa bayan. Siya ang pumalit kay Alohi na setter para maging katuwang ni Jia Morado. Napakala-king ahon nito noong nagsimula na kaming mag-ensayo sa Japan dahil dalawa na ang setter na nagpapalitan.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with