Matitikas na tankers labo-labo sa 166th PSL swim meet

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magbabakbakan ang pinakamatitikas na tankers sa bansa sa paglarga ng 166th Philippine Swimming League (PSL) Swimming Championships Class AB and C Category sa Nob­yembre 23 hanggang 24 sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.

Tuluy-tuloy ang PSL sa pagtuklas ng mga bagong talento kung saan ang torneo ay magsisilbing seleksiyon upang makapili ng mga swimmers na isasabak sa mga international tournaments sa susunod na taon sa Australia, Amerika, Canada, Hong Kong, Singapore, Thailand, Japan, United Arab Emirates  at Qatar.

“Through this competition, we will be able to select swimmers for our international competitions next year. We are expo­sing swimmers not only in our monthly competition but also in international level. We want these kids to experience competing against their foreign counterparts to further hone their skills,” pahayag ni PSL President Alexandre Papa.

Mahigit 500 tankers mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang lalahok sa torneo kabilang na ang pambato ng Mindanao gayundin ang mga dumayo mula sa Manila, Cebu, Iloilo, Capiz, Bacolod, Cavite, Marikina, Bicol, Quezon, Laguna at Pampanga.

Pitong individual events at dalawang relay events ang maaaring lahukan ng isang swimmer.

Maaaring magpadala ng entries hanggang Nobyembre 18 sa pslentries2019@gmail.com.

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with