Saludo sa mga atletang pilipino
ABYLIEVE - Aby Maraño (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2019 - 12:00am

Nobyembre na siguro ang pinaka-busy na buwan para sa mga atleta. Sinusulit ang bawat araw ng ensayo ngayong papalapit na ang ika-30 Southeast Asian Games. Sa iskedyul namin sa Women’s Volleyball, uuwi kami sa Pilipinas ng undas. Pagkatapos ay may Super Cup Tournament kami kung saan kakalabanin namin ang isang club team mula sa Japan at dalawang All-Star Philippine Super Liga team. Dire-diretso rin ang ensayo namin pagkatapos noon dahil aakyat kami ng Baguio upang doon ipagpatuloy ang camp at isasabay ding maisagawa ang team building bago magsimula ang SEA Games.

Samantala, sa ibang isport naman, busy rin ang Squash team na nag-e-ensayo sa Manila Polo Club ayon sa Team Captain nilang si Robert Garcia habang ang Pencak Silat team naman ay magkakaroon din ng training camp ngayong buwan sa Indonesia, ani Cherry May Regalado babalik lang sila sa Pilipinas dalawang linggo bago magsimula ang torneo. Ganoon din ang Boxing team na pinangu­ngunahan ni Rogen Ladon (Olympian Boxer) na magkakaroon ng training camp next week sa Australia.

Gayunpaman, namangha ako sa pagka-busy ng lahat ngunit mas namangha ako nang malaman ko na walang Christmas break sa mga isport tulad ng Bo­xing, Pencak Silat at iba pa dahil magtutuloy-tuloy ang kanilang mga tournament para sa Asian Championship at Qualifying ng February para sa Olympics. Kaya kung nagrereklamo ang ilan sa amin dahil grabe na ang iskedyul ng training namin para sa paghahanda, aba’y wala pala kaming karapatan magreklamo dahil ang ibang mga atleta ay hindi nagpa-Pasko at hindi nakakaranas ng magarbong pagsalubong ng Bagong Taon dahil hindi sila tumitigil mag-ensayo.

Tunay na iba ang buhay ng mga atleta. Ang daming social life na isinasakripisyo para lang magsilbi at magbigay ng karangalan sa Inang Ba­yan. Saludo ako sa lahat ng mga atletang Pilipino! Mabuhay tayong lahat!

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with