âWe are on timeâ--pagtiyak ni Ramirez sa venues ng 30th SEAG
Ang renobasyon na ginagawa sa Rizal Memorial Coliseum.
Jun Mendoza
‘We are on time’--pagtiyak ni Ramirez sa venues ng 30th SEAG
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Nagkalat ang mga kahoy, hollow blocks, buhangin, yero at pako sa mga sports facilities sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

Malinaw na hindi pa tapos ang pagpapagawa sa Rizal Memorial Sports Complex at Ninoy Aquino Stadium na parehong gagamitin para sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Ngunit kahapon ay tiniyak ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez na matatapos sa tamang oras ang anim na venues sa loob ng RMSC at sa Philsports Complex sa Pasig City para sa 2019 SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“I don’t see any problem there. It will be finish by November 15 to 20. We are on time in all venues as far as the events that will be held at the Rizal Memorial Sports Complex in Manila and Philsports Arena in Pasig City are concerned,” paniniyak ni Ramirez.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na tatayong host ng SEA Games ang Pilipinas matapos noong 1981, 1991 at 2005.

Idaraos sa RMSC ang gymnastics, sa bagong air-conditioned 8,000-seater na Rizal Memorial Coliseum at ang weighlifting at taekwondo events ay gagawin sa Ninoy Aquino Stadium.

Sa newly-renovated RMSC Tennis Center naman lalaruin ang lawn tennis at soft tennis events at sa RMSC athletic oval ang football event.

Ang Philsports Arena sa Pasig City ang venue ng indoor volleyball, ayon kay Ramirez na siyang Chef De Mission ng Team Philippines.

Nilinaw ni Ramirez na ang pagpapagawa sa RMSC at Philsports ay hindi lamang para sa 2019 SEA Games kundi sa iba pang mga local at international competitions.

Samantala, sinabi ni architect Gerald Lico ng ME Sicat Construction Company na ang turnover ceremony sa Rizal Memorial Coliseum at iba pang venues ay nakatakda sa Nobyembre 12 kasunod ang Pep Talk Rally ng Team Philippines sa Nobyembre 15.

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with