E-Painters may pag-asa pa
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Itinuring ni Rain or Shine coach Caloy Garcia ang ka­nilang laban sa Blackwater bilang isang ‘must win’.

Tumugon naman ang kanyang mga Elasto Pain­ters at pinadapa ang Elite,

99-82 para buhayin ang tsansa sa quarterfinal round ng 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Tinapos ng Rain or Shine ang kanilang four-game losing slump para itaas ang baraha sa 2-5 kapantay ang Blackwater at Phoenix.

“Naging motivation is amin ‘yung struggling kami ngayon. Itong game na ito must win para sa amin eh,” sabi ni guard Rey Nambatac, nagtala ng 18 points, 7 rebounds at 7 assists. “Kaya hanggang dulo ibinigay talaga namin lahat.”

Ipinarada ng Elasto Painters si import Kwame Alexander, naglaro para sa NLEX Road Warriors noong 2015, na nagbaon sa Elite sa 92-81 sa natitirang 2:17 minuto ng fourth quarter.

Tumapos si Alexander na may 17 markers  16 boards, 3 assists at 3 steal habang  may 17 at 13 markers sina Beau Belga at Ed Daquioag, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang kinuha ng Rain or Shine ang 11-point lead, 49-38 mula sa three-point shot ni Nambatac sa huling minuto ng second period.

 

2019 PBA GOVERNOR’S CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with