UP tiyak na sa playoff
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Nalampasan ng UP Fighting Maroons ang ha­mon ng NU Bulldogs, 80-77  upang makasiguro ng playoff sa huling Final Four berth kahapon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Umiskor si Jun Manzo ng 12 sa kanyang kabuuang 14 puntos sa se­cond half na may kasamang tatlong rebounds at dalawang assists para umangat sa 8-4 win-loss kartada at manatili sa ikalawang puwesto sa likuran ng nangunguna at undefeated Ateneo Blue Eagles (12-0).

Masusungkit ng UP ang ikalawang semis slot kung mabibigo ang Green Archers (5-6) sa mga kamay ng Growling Tigers (7-5) na kasalukuyang naglalaban pa habang sinusulat ito.

Kumonekta ng triples si Kobe Paras para palawakin ang bentahe sa pitong puntos, 77-70  mahigit 3:02 na lang ang natitira, ngunit bumirada ang Bulldogs ng 5-0 run upang ibaba ang agwat sa dalawang puntos na lamang.

Pero tumipak si Manzo ng tatlo sa apat na free throws sa huling 13 segundo para isalba ang Katipunan-based Figh­ting Maroons laban sa Bulldogs.

Sa ibang laro, tinapos na rin ng Far Eastern Univerity ang pag-asa ng Adamson Soaring Falcons na makapasok sa semis matapos yumuko sa Tamaraws, 63-60.

Nagsanib-puwersa sina Wendell Comboy, L-Jay Gonzales at Ken Tuffin ng tig-11 puntos para makopo ng FEU ang pang-pitong panalo sa 13 laro at makasiguro ng playoff sa huling semis berth kung matatalo ang La Salle sa UST sa hu­ling  laro.

UP FIGHTING MAROONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with