PH volleybelles todo na ang preparasyon para sa SEAG
(Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Inaasahan ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez na mahahasa nang husto ang national women’s volleyball team sa Japan bago sumabak sa 30th Southeast Asian Games.

Sa kanilang 12-day training camp sa Tokyo, Japan ay makakasukatan ng mga Pinay spi­kers ang mga club teams na Kashiwa Angel Cross, Yamanashi Chuo Bank, Gunma Bank Green Wings at Hitachi.

“We know that Japan is the gold standard in Asian volleyball. They may not be tall, but they are quick, tactical and very disciplined,” ani Ramirez, dating basketball coach ng Ateneo de Davao University bago nailuklok sa government sports agency.

Makakatapat din ng Nationals ang mga collegiate teams na Nittai University at Aoyama University.

Nagpaluwal ang PSC ng pondong P1.7 milyon para sa nasabing training camp ng women’s volleyball squad ni coach Shaq Delos Santos bilang paghahanda sa 2019 SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Matapos kunin ang bronze medal noong 2005 Manila SEA Games ay hindi nakasali ang Natio­nals sa sumunod na apat na edisyon bago nagbalik noong 2015 at 2017 sa Singapore at Kuala Lumpur, ayon sa pagkakasunod.

Katuwang naman ni Delos Santos sa coaching staff sina Kungfu Reyes at Brian Esquibel.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES NATIONAL WOMEN’S VOLLEYBALL TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with