Standhardinger ibubuhos ang galit sa SMB
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Sinasabing hindi makasundo ni Christian Standhardinger ang kanyang mga teammates sa San Miguel kaya siya ibinigay sa NorthPort kapalit ni Moala Tautuaa. Hindi man niya aminin ay may nararamdamang galit ang 6-foot-8 Fil-German big man sa nangyari sa kanya.

Ang pinanghhinaya­ngan ni Standhardinger ay ang PBA Grand Slam na maaaring makuha ng Beermen matapos maghari sa nakaraang 2019 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

“I wish I could’ve had a chance to win a Grand Slam. But it is what it is, and I think the players of San Miguel are great, and I only wish them the best,” wika ni Standhardinger.

Inaasahang magiging agresibo si Standhardinger sa pagsagupa ng NorthPort kontra sa San Miguel ngayong alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Hangad ng Beermen, may 5-1 baraha kagaya ng NLEX, na masolo ang ikalawang puwesto sa ilalim ng quarterfinalist na TNT Katropang Texters (7-0) para makuha ang outright entry sa quarterfinals.

Para naman palakasin ang kanilang tsansa sa eight-team quarterfinals ay kinuha ng Batang Pier (2-4) si import Michael Qualls para palitan si Mychal Ammons.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay mag-uunahan naman ang Blackwater (2-4) at Rain or Shine (1-5) na buhayin ang kanilang pag-asa sa quarterfinals.

Ipaparada ng Elasto Painters si dating Road Warriors reinforcement Kwame Alexander para saluhin ang trabaho ni K­ayel Locke sa pagsagupa sa Elite.

 

STANDHARDINGER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with