Abueva sabik nang makabalik sa PBA, Gilas
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Hindi lang sa Philippine Basketball Association (PBA) gustong makabalik ni suspended Phoenix star Calvin Abueva.

Sabik na rin nitong mu­ling suotin ang Gilas Pilipinas jersey upang katawanin ang bansa sa international competitions gaya ng Southeast Asian Games at FIBA tournaments.

“Yan ang pinaka-nami-miss ko talaga yung maging part ng national team dahil iba yung feeling na dala mo yung bansa natin, yung makatulong sa team para sa bayan,” ani Abueva.

Huling nasilayan sa aksiyon si Abueva kasama ang Gilas Pilipinas noong nakaraang taon kung saan nauwi sa matinding gulo ang laban ng Pilipinas at Australia sa FIBA Asian Qualifiers na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.

Napatawan naman ng PBA ng indefinite suspension si Abueva noong Hunyo.

Kaya naman malaki ang panghihinayang ni Abueva sa mga nasayang na oportunidad partikular na ang SEA Games na idaraos pa naman sa Pilipinas sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Never pa ako nakalaro sa SEA Games kaya hopefully makalaro ako soon. Hindi man this time (2019), maybe in the future kung mabibigyan pa ako ulit ng pagkakataon,” ani Abueva.

Naglabas ng public apology si Abueva noong Sabado kung saan hu­mingi ito ng tawad sa mga fans, sa PBA at sa ilang personalidad na nakaalitan nito gaya nina Bobby Ray Parks’ at kasintahan nitong si Maika Rivera.

CALVIN ABUEVA PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with