Creamline tangka ang sweep
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Target ng nagdedepensang Creamline na mawalis ang eliminasyon sa pagsagupa nito sa mapanganib na Motolite sa pagpapatuloy ng 2019 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Sa huling araw ng eliminasyon, magtatagpo ang Cool Smashers at Power Builders sa alas-4 ng hapon habang masisilayan din ang giyera ng Philippine Air Force at Philippine Army sa alas-2 at ng Choco Mucho at PetroGazz sa alas-6 ng gabi.

Poprotektahan ng Creamline ang kanilang malinis na 15-0 rekord ngunit hindi ito magiging madali dahil wala ang dalawang key players ng tropa na sina Alyssa Valdez at Jia Morado na kasama ng national team na nagsasanay sa Tokyo, Japan.

Sa Biyernes pa babalik sina Valdez at Morado para makasama ang Cool Smashers sa crossover semis na lalarga sa Sabado.

Kaya naman sasamantalahin ng Motolite ang pagkawala nina Valdez at Morado para makuha ang panalo.

May 10-5 ang Power Builders at kung mana­nalo ito sa Cool Smashers, awto­matikong makukuha ng tropa ang No. 3 seed sa semis.

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with