Terrence Romeo
Romeo pumirma ng extension sa SMB
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa mga pangyayari sa kanyang basketball career ay naisip ni Terrence Romeo na ma­papaaga ang kanyang pagreretiro.

Ngunit nang hugutin siya ng San Miguel mula sa TNT Katropa sa pagsisimula ng PBA season ay muling sumigla ang pag­lalaro ni Romeo.

Pinalagda ang scoring machine ng Beermen ng three-year contract extension na nangangahulugan ng patuloy niyang pagla­laro para sa tropa ni head coach Leo Austria hanggang 2022.

Dinala ng Tropang Texters si Romeo sa Beermen noong Disyembre kapalit nina guard Brian Heruela at forward David Semerad.

Bagama’t sinasabing magiging problema ng San Miguel ay ipinakita naman ni Romeo na kaya niyang makatrabaho sina five-time PBA MVP June Mar Fajardo, Arwind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter.

Sa kanyang paglipat sa Beermen ay dalawang sunod na korona ang nakamit ni Romeo sa kanilang paghahari sa nakaraang 2019 PBA Philippine at Commissioner’s Cup.

Target ng San Miguel ang PBA Grand Slam ngayong season.

Sa kanyang pinakahu­ling laro ay nagtala si Romeo ng 12 points, 4 rebounds at 5 assists sa 113-107 paggupo ng San Miguel kontra sa Columbian para itala ang 5-1 record sa torneo.

TERRENCE ROMEO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with