Binisita si Sen. Manny Pacquiao ng FIFA delegates sa pangunguna ni FIFA President Gianni Infantino (ikatlo sa kaliwa) sa kanyang bahay sa Makati.
Pacquiao kakasa sa football
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

Sa FIFA exhibition kasama ang legends

MANILA, Philippines — Inimbitahan ni FIFA president Gianni Infantino si eight-division world champion Manny Pacquiao na maglaro ng football sa isang exhibition game kasama ang ilang sports legends.

Hindi nagdalawang-isip si Pacquiao at agad itong pumayag.

“Why not?,” ani Pacquiao nang bisitahin ito ni Infantino kasama ang ilang FIFA officials sa kanyang tahanan sa Makati.

Bukas ang palad ni Pacquiao sa mga exhibition games lalo na’t kung makatutulong ito ng malaki upang mas lalong mapaunlad ang sport gayundin ang pagkakataong makalikom ng pondo para sa mga charitable works.

“If it is going to be for a good cause, then why not (play),” dagdag ni Pacquiao.

Kasama ang Pilipinas sa mga binibisita ni Infantino sa Asya upang kamustahin ang mga proyektong pinondohan ng FIFA.

Binigyan ni Infantino at FIFA Foundation CEO Youri Djorkaeff ng official football jersey si Pacquiao na may numero 9.

Hindi naman nagpahuli si Pacquiao na namahagi rin ng authographed shirts sa mga FIFA officials.

Naniniwala si Pacquiao na isa ang football sa mga sports na kayang umangat ng mga Pinoy athletes.

“This is one sport where the Filipino can excel and be also good at,” ani Pacquiao.

Patunay nito ang mata­gumpay na resulta ng Azkals sa 2022 FIFA World Cup qualifying tournament na ginanap sa Panaad Park and Stadium sa Bacolod City kung saan naipuwersa ng Pinoy squad ang scoreless draw laban sa world No. 68 China.

Tinanggap din ni Pacquiao ang imbitasyon ni Infantino na manood ng live sa 2022 FIFA World Cup na idaraos sa Qatar.

FIFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with