Nag-pose ang miyembro ng Ateneo swimming team makaraang igupo ang mahigpit na karibal na La Salle sa UAAP Season 82 swimming event.
Ika-6 na korona sa Ateneo tankers
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

UAAP: UST dinomina ang boys/girls event

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Ateneo ang pang-anim na overall crown matapos dominahin muli ang men’s at women’s event sa Season 82 UAAP swimming competition na ginanap sa Trace Aquatic Center sa Los Baños, Laguna.

Nakakuha ang Ateneo ng kabuuang 353 puntos upang talunin ang De La Salle (343 puntos) sa men’s competition at itala ang kanilang ika-anim sunod na men’s title.

Pinangunahan naman ni Chloe Daos ang Ateneo para sa kanyang ikatlong women’s crown nang makalikom ng kabuuang 458 puntos, sapat na upang iuwi ang kanilang pang-anim na overall crown sa women’s event.

“We were lucky na madaming pumasok din na freshmen at the same time ‘yung mga MVP and leader swimmers namin are still there, so it’s just a matter of maintaining the culture and hoping the new swimmers catch the spirit,”sabi ni Ateneo swimming program director Archie Lim.

Nagwagi si Daos ng UAAP record time na 2:19.03 sa 200-m butterfly para lampasan ang limang taong record na 2:19.71 ni  Hannah Dato. Sa panalo inangkin din ni Daos ang pitong gintong medalya sa ikatlong sunod na taon.

Nagtala rin ang UP ng 395 puntos para sa ikalawang puwesto at ikatlo ang La Salle sa 203 puntos habang pang-apat ang UST sa 96 puntos.

 Samantala, kinumpleto naman ng University of Santo Tomas ang kanilang ‘magical run’ patungo sa pagkopo sa boys at girls titles.

Isinara ng Junior Tigersharks ang four-day meet bitbit ang 461.59 points para sa kanilang ikatlong korona sa huling apat na taon.

Muli namang nasakmal ng Junior Lady Tigersharks ang titulo sa kanilang 419 points.

Ito ang pang-walong UAAP championship ng UST sa boys’ division at ika-11 sa girls’ side.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with