Sinagasaan ni Arwind Santos ng San Miguel si CJ Perez ng Dyip sa aksyong ito.
Jun Mendoza
Wells isinalba ang SMB
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Sa isang iglap ay humarurot ang mga Beermen sa huling apat na minuto ng fourth quarter para sumosyo sa ikalawang puwesto.

Bumandera si import Dez Wells sa final canto para pamunuan ang San Miguel sa 113-107 panalo laban sa Columbian at patibayin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round ng 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang pang-limang panalo ng Beermen para makatabla ang NLEX (5-1) sa ikalawang silya sa ilalim ng TNT Katropang Texters (7-0) habang nalasap ng Dyip ang kanilang ikaapat na kabiguan sa pitong laro.

“I’m happy that my team worked hard today,” sabi ni Wells na kumolekta ng 39 points, 9 rebounds, 5 assists at 2 blocks para sa San Miguel. “Columbian is a hard working team. Their back is against the wall.”

Kinuha ng Dyip ang 64-57 abante sa third period at huling nahawakan ang bentahe sa 95-94 bago humataw sina Wells, Santos at five-time PBA MVP June Mar Fajardo para sa 100-95 kalamangan ng Beermen sa huling 3:27 minuto ng fourth quarter.

Nagkaroon ng tensyon nang sinubukang sugurin ni Wells si Jackson Corpuz, natawagan ng Flagrant Foul Penalty 1, sa huling 3:09 minuto ng laro.

Itinala ng San Miguel ang 12-point lead, 109-97 mula sa three-point play ni Wells sa nalalabing 2:07 minuto ng bakbakan.

Samantala, sinibak ng Phoenix (2-5) si import Eugene Phelps at ipinalit si NBA veteran Alonzo Gee.

Bagama’t hindi napili noong 2009 NBA Draft ay nakapaglaro ang 32-anyos na si Gee para sa Wa­shington Wizards, San Antonio Spurs, Cleveland Cavaliers, Denver Nuggets, Portland Trail Blazers at New Orleans Pelicans.

SMB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with