UE pinagbakasyon na ng Ateneo
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Tinapos na rin ng two-peat champion Ateneo Blue Eagles ang pag-asa ng University of the East Red Warriors matapos ang kanilang 84-50 panalo kahapon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Umiskor si Isaac Go ng 13 puntos habang si Ange Kouame ay tumulong ng 11 puntos, walong rebounds at tatlong blocks upang manatiling walang talo sa 12 asignatura at lumapit sa dalawang laro na lamang mula sa kanilang asam na sweep sa double-round elimination.

Umani rin ng 11 puntos, pitong rebounds at dalawang assists  si Thirdy Ravena para tuldukan na ang pag-asa ng Red Warriors na makapasok sa Final Four dahil hindi na sila makakaabot pa sa six wins, ang magic number para makakuha ng semis slot.

Dahil sa kanilang pang-siyam na talo sa 12 laro (3-9), sumunod ang UE sa NU Bulldogs (2-9) sa exit door at limang koponan na lamang sa pangunguna ng UP Fighting Maroons (6-4), UST Growling Tigers (7-5), FEU Tamaraws (6-6), DLSU Green Archers (5-6) at Adamson Soaring Falcons ang nanatiling patuloy na naghahangad sa huling tatlong semifinal berths.

Ang unang semis slot ay nauna nang inangkin ng Ateneo kasama ang unang twice-to-beat bentahe sa Final Four sa kanilang malinis na 12-0 slate.

Muli namang naka-eskapo ang University of the Philippines Fighting Maroons sa mga kamay ng Adamson Soaring Falcons, 81-77 para kumapit sa ikalawang puwesto sa 7-4 slate.

Binura ng Fighting Maroons ang 13-point deficit, 59-72, sa huling anim na minuto sa 15-2 run nina Juan Gomez de Liano, Jun Manzo, Richie Rivero at Kobe Paras para UP.

ATENEO BASKETBALL UE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with