Supalpal ang inabot ni Rhens Abando ng UST kay JLC Clemente ng NU.
Ernie Peñaredondo
NU sinibak ng UST
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatalsik ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang National University Bullogs sa Final Four matapos ang kanilang 88-76 panalo kahapon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nag-poste ang Beninese na si Soulemane Chabi Yo ng double-double sa kanyang 16 puntos at 14 rebounds habang umani si CJ Cansino ng 15 puntos, limang rebounds, tatlong assists at tatlong steals para umangat sa 7-5 win-loss kartada at patatagin ang hawak sa ikatlong puwesto.

Tumulong din ng 14 puntos si Renzo Subido habang 12 naman kay Mark Nonoy at siyam na puntos mula sa nagbabalik na si Rhenz Abando upang lumapit sa pumapangalawang University of the Phi-lippines Fighting Maroons (6-4) at ilang hakbang na lang mula sa ikalawang twice-to-beat bentahe.

Sa kanilang 2-9 win-loss kartada, tuluyan na ring natapos ang pag-asa ng Bulldogs na makapasok sa Final Four dahil hindi na sila maka-abot  pa ng six wins na siya ngayon ang magic humber para makakuha ng semis berth.

Umabot pa sa pinakamalaking 23 puntos ang bentahe ng Growling Tigers bago naibaba ng Bulldogs sa siyam na puntos, 65-56 sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

“Lots of players stepped up. They just played basketball. They were ha­ving fun out there. They enjoyed the game but we know when they were doing that na may kasamang responsibility,”sabi ni UST head coach Aldin Ayo.

Sa ibang laro, tinam-bakan ng Far Eastern University Tamaraws ang De La Salle Green Archers, 81-60 upang masungkit ang pang-anim panalo sa 12 laro at umakyat sa solo fourth spot. 

Ang Green Archers naman ay nalaglag sa solo fifth spot sa 5-6 record.

Umiskor sina Ken Tuffin at LJ Gonzales ng tig-14 puntos 12 naman mula kay Wendell Comboy para sa tropa ni coach Olsen Racela.

BASKETBALL UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with