Nakumpleto ng Bulldogs ang matamis na 6-0 sweep kung saan tinalo ng tropa ang University of Santo Tomas, 6-1 at University of the Philippines, 7-0 sa kanilang huling dalawang asignatura.
File
NU sinakmal ang UAAP taekwondo titles
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Winalis ng National University ang kampeonato sa men’s at women’s divisions ng UAAP Season 82 taek­wondo tournament na ginanap sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Nakumpleto ng Bulldogs ang matamis na 6-0 sweep kung saan tinalo ng tropa ang University of Santo Tomas, 6-1 at University of the Philippines, 7-0  sa kanilang huling dalawang asignatura.

Ito ang ikatlong sunod na titulo ng Bulldogs.

Itinanghal na Rookie-Most Valuable Player si featherweight Sturdy Jay Gilbuena.

Pumangalawa ang De La Salle University na may 5-1 marka habang puma­ngatlo ang UST tangan ang 4-2 baraha,

Sa women’s division, malinis ding tinapos ng Lady Bulldogs ang kam­panya nito matapos iselyo ang sariling 6-0 sweep.

Pinaamo ng NU ang UST (5-2) at University of the Philippines (4-3) sa huling araw ng bakbakan para angkinin ang ikaapat na sunod na korona.

Pinangalanang Season MVP si bantamweight Baby Jessica Cabanal.

TAEK­WONDO UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with