Barangay Ginebra
PBA Images/File
Ginebra, Magnolia magkakasubukan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng San Miguel Beer na makisalo sa No. 2 spot habang inaabangan na ang tinaguriang ‘Manila Clasico’ sa pagitan ng nagdedepensang Magnolia at crowd-favorite Barangay Ginebra sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Governor’s Cup ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Beermen ang Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon habang sisikad ang inaasahang mainit na bakbakan ng Hotshots at Gin Kings sa alas-6:45 ng gabi.

Nakahimpil sa ikatlong puwesto ang Beermen hawak ang 4-1 marka sa ilalim ng nangungunang Talk ’N Text na may malinis na 7-0 baraha at pumapangalawang NLEX na nakasakay sa 5-1 kartada.

Nagtamo ng unang kabiguan ang Beermen matapos lumasap ng masaklap na 124-129 kabiguan sa kamay ng Gin Kings noong Linggo sa kabila ng impresibong 52 puntos na produksiyon ni SMB import Dez Wells.

Ngunit umaasa ang Beermen na mabilis itong makakalimot sa naturang pagkatalo para muling ibalik sa porma ang kanilang kampanya sa kumperensiyang ito.

Maliban kay Wells, kukuha ng lakas ang SMB kay league MVP June Mar Fajardo kasama sina Marcio Lassiter, Alex Cabagnot at Chris Ross.

Mapapalaban ang Beermen sa Columbian Dyip na sariwa rin sa 111-117 pagyuko sa Road Warriors noong Miyerkules na naging dahilan para mahulog ito sa 3-3 marka kasosyo ang Hotshots (3-3) sa No. 5 spot.

Ibabandera ng Dyip si rookie CJ Perez na umiskor ng 21 puntos sa kanilang huling laro habang makakatuwang nito sina Jackson Corpuz, Khapri Alston at Juami Tiongson na may pinagsama-samang 57 puntos sa kanilang huling laro.

Sesentro rin ang spotlight sa Magnolia (3-3) at Ginebra (2-2) na parehong naghahabol ng panalo para makapasok sa Top 4 sa quarterfinals dahil ang apat na koponan sa pagtatapos ng eliminasyon ay mabibiyayaan ng twice-to-beat.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with