Nakalikom pa si Emnas ng isang block at isang ace para sa Motolite na umangat sa 10-5 baraha na naging daan upang maipuwersa ang two-way tie sa ikatlong puwesto kasama ang BanKo Perlas na may parehong marka.
Philstar.com/Luisa Morales
Motolite sumabit sa No. 3 spot
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabilis na napasuko ng Motolite ang Pacific Town-Army, 25-21, 25-23, 25-14 upang sumalo sa No. 3 spot sa 2019 Premier Volleyball League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Minanduhan ni playmaker Fenela Emnas ang matikas na ratsada ng Power Builders matapos magsumite ng 17 excellent sets dahilan upang makaatake ng husto ang kanilang spikers.

“There were shortco­mings pero pinilit naming maka-recover and ganda­han pa rin yung performance namin. Yung skills naman nandyan na, kaila­ngan pa naming iprepare yung mental toughness namin para sa next games,” wika ni Emnas.

Nakalikom pa si Emnas ng isang block at isang ace para sa Motolite na umangat sa 10-5 baraha na naging daan upang maipuwersa ang two-way tie sa ikatlong puwesto kasama ang BanKo Perlas na may parehong marka.

Humataw ng husto sa panig ng Motolite sina Isa Molde at Diana Mae Carlos habang nagbigay ng solidong suporta sina middle blockers Maristela Layug at Aie Gannaban at reserve wing spiker Bernadeth Flora.

Nakalikom ng 14 puntos si team captain Myla Pablo sa dalawang sets na paglalaro nito bago ipinahinga ni Motolite mentor Godfrey Okumu sa third set.

Nalaglag naman ang Lady Troopers sa 6-9 kartada.

Magpapatuloy ang aksiyon ngayong araw sa parehong venue tampok ang salpukan ng BanKo at nagdedepensang Creamline sa alas-2 ng hapon na susundan ng engkuwentro ng PetroGazz at BaliPure sa alas-4.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with