Duterte kay Ramirez: Elite sports program palakasin
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Sports Commission (PSC) na maging pangunahing instrumento ng gobyerno sa peace and order kasabay ng pagpapalakas ng elite sports program ng bansa.

Sinabi ni PSC Chairman William Ramirez na tinututukan ng ahensiya ang grassroots sports.

Dumaan sa pagsubok ang bansa matapos unang kanselahin ang 30th Southeast Asian Games habang nagkaroon ng Marawi siege sa Mindanao noong nakaraang taon.

At nais ni Duterte na isama ang grassroots program sa rehabilitasyon ng Marawi.

“Those were tough months. The country faced its biggest test yet under President Duterte, who did not take the challenge sitting down. The marching order he gave specifically to the PSC is help secure the future of the youth and children through education and sports,” ani Ramirez.

Masaya rin ang PSC na na-revive ang SEA Games hosting ng bansa kaya’t ibubuhos nito ang lahat para masigurong maging matagumpay ang pagtataguyod ng bansa ng biennial meet.

Partikular na binabantayan ng PSC ang pagsasaayos sa mga venues gayundin ang mga atletang sasabak sa SEA Games.

Hangad ng Pilipinas na muling masungkit ang overall championship title ng bansa sa ikalawang pagkakataon. Una na itong nakuha noong 2005 na ginanap din sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with