DiGregorio Katropa na
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Higit pang nagpalakas ang Talk ’N Text matapos kunin si Mike DiGregorio mula Blackwater kapalit ni Brian Heruela.

Inaprubahan ng Philippine Basketball Association (PBA) Office of the Commissioner ang naturang trade.

Mayroong average na 10.8 points sa anim na laro si DiGregorio kung saan umiskor pa ito ng 22 puntos nang matalo ang Elite sa Bolts (97-106) sa kanilang laro.

Inaasahang malaki ang maitutulong ni DiGregorio sa Katropa na kasalukuyang may malinis na 7-0 rekord at awtomatiko nang may tiket sa quarterfinals.

Makakatuwang ni DiGregorio sa TNT sina Roger Pogoy at Jayson Castro kasama si import KJ McDaniels.

Sa kabilang banda, magbabalik si Heruela sa Blackwater na parehong koponang kumuha sa kanya sa draft noong 2014. Galing si Heruela sa shoulder injury.

Sa kanilang huling laro, nagtala ito ng tatlong puntos sa 99-93 overtime win ng Katropa laban sa Alaska.

MIKE DIGREGORIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with