Kaagad bumangon sa naunang kabiguan ang Meralco matapos patumbahin ang Blackwater, 106-97 sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
File
Bolts tumibay sa no. 4 Elite nakatikim ng ika-4 na talo
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Alam ng mga Bolts ang kahalagahang makapuwesto sa Top Four sa eight-team quarterfinal round.

Kaagad bumangon sa naunang kabiguan ang Meralco matapos patumbahin ang Blackwater, 106-97 sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Pinatibay ng Bolts ang kanilang pagkapit sa No. 4 spot mula sa 4-2 record sa ilalim ng TNT Katropang Texters (6-0), NLEX Road Warriors (5-1) at San Miguel Beermen (4-1).

Nabigo naman ang Elite na maitala ang ikalawang dikit nilang ratsada at nahulog sa 2-4 katabla ang NorthPort Batang Pier.

Humakot si two-time PBA Best Import Allen Durham ng 27 points, 13 rebounds at 7 assists habang kumolekta si Raymond Almazan ng 19 markers, 10 boards at 2 blocks.

“Basta i-run lang daw namin ‘yung play namin, mga sets namin,” sabi ng 6-foot-8 na si Almazan. “Sabi ni coach (Norman Black) sa amin na let’s get better every game. Kahit na anong mangyari next game may mga adjustments kami.”

Sa pagbibida ni Almazan ay naiposte ng Meralco ang 10-point lead, 50-40 sa huling 3:01 minuto bago ang halftime na naulit sa 60-50 sa pagsisimula ng third period.

Nagsalpak naman ng mga three-point shots sina Mike Digregorio at Rabeh Al-Hussaini para idikit ang Blackwater sa 86-92 sa huling 6:08 minuto ng fourth quarter.

Ngunit isang 14-6 atake ang pinangunahan ni guard Baser Amer para ibigay sa Bolts ang 14-point advantage, 106-92 sa na­la­labing minuto ng laro.

Hindi na nakalapit ang Elite, nakahugot kay Digregorio ng 22 points habang may 15, 12, 11 at 10 mar­kers sina import Marqus Blakely, No. 2 overall pick Bobby Ray Parks Jr., Allein Maliksi, Al-Husssaini at Mac Belo, ayon sa pagkakasunod.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with