Kailangan ng Grow­ling Tigers na magwagi laban sa Bulldogs sa kanilang muling pagtatagpo sa alas-2 ng hapon upang uma­ngat sa ikalawang puwesto at lumapit sa pagsungkit sa ikalawang twice-to-beat advantage sa Final Four.
UAAP
Krusyal na panalo asam ng UST, DLSU
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng pumapa­ngatlong University of Santo Tomas Growling Tigers ang pang-pitong panalo sa pagharap kontra sa National University Bulldogs ngayon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Kailangan ng Grow­ling Tigers na magwagi laban sa Bulldogs sa kanilang muling pagtatagpo sa alas-2 ng hapon upang uma­ngat sa ikalawang puwesto at lumapit sa pagsungkit sa ikalawang twice-to-beat advantage sa Final Four.

Hangad naman ng De La Salle Green Archers na makopo ang pang-anim na panalo laban sa Far Eas­tern University Tamaraws sa alas-4 ng hapon para sa posibleng pag-akyat sa ikatlong puwesto.

Kung magwawagi ang Green Archers sa FEU at mabigo ang Growling Tigers sa mga kamay ng Bulldogs, aakyat ang Taft-based DLSU sa third spot sa 6-5 win-loss kartada at mahuhulog ang España-based-squad sa fourth spot sa 6-6 slate.

Kaya krusyal para sa UST at DLSU ang kanilang magkahiwalay na laro sa kanilang asam na twice-to-beat advantage sa semis round.

Ang unang twice-to-beat edge ay nakuha na ng undefeated at semifinalist Ateneo Blue Eagles sa kanilang malinis na 11-0 record.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with