Motolite pakay ang No. 3 spot
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magandang puwesto sa Final Four ang tatangkain ng Motolite sa pagsagupa nito sa Pacific Town-Army ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 Premier Volleyball League Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang Po­wer Builders at Lady Troo­pers sa alas-2 habang aariba naman ang bakbakan ng Chef’s Classic at Philippine Air Force sa alas-4.

Kumpleto na ang semis cast.

Pasok ang Creamline (14-0), PetroGazz (10-4), BanKo Perlas (10-5) at Motolite (9-5) kaya naman magandang pagtatapos sa kampanya na lamang ang tanging hangad ng Pacific Town-Army, Chef’s Classic at Philippine Air Force.

Ngunit para sa Motolite, importante ang larong ito dahil hangad ng tropa na makuha ang No. 3 spot.

Kaya naman inaasa­hang hahataw ng husto ang Motolite sa pangunguna ni top spiker Myla Pablo kasama sina University of the Philippines standouts Diana Mae Carlos at Isa Molde na tunay na maaasahan ng tropa.

Papalo rin sina Jessma Ramos at Genn Layug habang hahawakan ni Fil-Am playmaker Iris Tolenada ang setting chores.

Babanat naman sa panig ng Lady Troopers sina Honey Royse Tubino, Mary Jean Balse-Pabayo at Luth Malaluan.

Sesentro na ang atensiyon ni national mainstay Jovelyn Gonzaga sa PVL dahil tapos na ang Philippine Superliga Invitational Conference kung saan naglaro ito para sa Cignal HD Spikers na tumapos sa ikatlong puwesto.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with