Tumulak na kahapon patungong Amerika ang Team Ancajas upang doon ipagpatuloy ang kanyang training camp para sa laban.
File
Ancajas tumulak na pa-Amerika para sa title defense
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handang-handa na si world champion Jerwin Ancajas sa pagdepensa ng kanyang International Bo­xing Federation (IBF) super flyweight crown laban kay Mexican Jonathan Javier Rodriguez sa Nob­yembre 2 (Nobyembre 3 sa Maynila) sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Tumulak na kahapon patungong Amerika ang Team Ancajas upang doon ipagpatuloy ang kanyang training camp para sa laban.

Ipinagmalaki ni chief trainer Joven Jimenez na nasa 95 porsiyento nang handa si Ancajas.

Mabagsik at mata­ta­lim na suntok ang bitbit ni A­ncajas sa US na magiging armas nito upang patumbahin ang Mexican rival.

“We’re optimistic and we’re right on track in terms of preparations. He’s already at 95 percent ready. We’re also checking his weight to ensure that he’ll get the weight limit,” ani Jimenez.

Naglalaro sa 125 hanggang 126 pounds ang timbang ni Ancajas – may 11 pounds na lampas sa weight limit.

Ngunit hindi ito magi­ging problema dahil kasama ng Team Ancajas si nutritionist Jeaneth Aro na siya ring tumulong sa pagbabantay sa kundisyon ni Ancajas nang talunin nito si Japanese Ryuichi Funai via seventh-round knockout noong Mayo 4 sa Stockton, California.

Bago tumulak sa US, su­mailalim pa sa matinding ensayo si Ancajas sa Naval Education, Training and Doctrine Command sa San Antonio, Zambales para masiguro na nasa ayos ang kundisyon nito.

JERWIN ANCAJAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with