Yulo balik-Tokyo para paghandaan ang SEAG, Olympics
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik ensayo na si world champion Carlos Edriel Yulo para paghandaan ang 2019 Southeast Asian Games at 2020 Tokyo Olympics.

Nakatakdang umalis ngayong araw si Yulo at Japanese coach Munehiro Kugimiya patungong Tokyo, Japan.

Hangad ni Kugimiya na mas pataasin pa ang lebel ng performance ni Yulo upang masiguro ang gintong medalya hindi lamang sa SEA Games kundi ma­ging sa Tokyo Olympics.

“Maganda yung performance ko sa World Championship pero naniniwala ako na kaya ko pa ng mas magandang performance. Kailangan ko lang talagang magsikap sa training,” ani Yulo na nag-aaral din sa Teikyo University sa Tokyo.

Sariwa pa ang 19-an­yos sa matamis na pagkopo sa gintong medalya sa men’s floor exercise sa prestihiyosong 49th FIG Artistic Gymnastic World Championships na ginanap sa Stuttgart, Germany.

Nagtala si Yulo ng 15.300 puntos para ta­lunin sina silver medallist Artem Dolgopyat ng Israel (15.200) at bronze medallist Xiao Ruoteng ng China (14.933).

May 6.50 ang degree of difficulty ng performance ni Yulo sa world championships.

Target ni Kugimiya na itaas ito sa 6.80.

Alam ni Yulo na hindi magiging madali ang pagdaraanan nito ngunit handa ang 19-anyos gymnast na ibuhos ang lahat para maabot ang inaasam na tagumpay.

“Hindi ganun kadali ang pinagdaanan ko sa training sa Japan. May point na umiiyak na lang ako dahil sa sakit or hirap ng trai­ning pero kailangan kong ituloy ang nasimulan ko,” ani Yulo.

Malaki ang tiwala ni Kugimiya na abot-kamay na ang minimithing gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

Bago ang Tokyo Olympics, puntirya ni Yulo na mawalis ang lahat ng pitong gintong medalyang nakataya sa SEA Games na idaraos sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

2020 TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with