^

PSN Palaro

Dugo’t pawis puhunan ni Yulo sa tagumpay

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Dugo�t pawis puhunan ni Yulo sa tagumpay
Sina (mula kaliwa) boxer Nesthy Petecio, Tokyo Olympics-bound gymnast Carlos Edriel Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Namamayagpag si Carlos Edriel Yulo matapos makuha ang gintong medalya sa men’s floor e­xercise ng 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Hanns Martin Schleyer Halle sa Stuttgart, Germany.

Subalit hindi basta basta ang pinagdaanan ni Yulo para marating ang tugatog ng tagumpay.

Sipag at tiyaga, dugo at pawis ang naging sandigan ng 19-anyos gymnast na tubong Leveriza, Pasay.

Sumailalim ito sa matinding pagsasanay sa Japan upang makuha ang perpektong routine na naging armas nito para hablutin ang ginto sa world meet.

“Iba talaga yung trai­ning sa Japan kumpara sa Pilipinas. Doon mo makikita yung magagaling talaga na gymnasts nakakasabay mo sila sa training,” ani Yulo.

Marami itong natuklasan sa kanyang sarili sapul nang magsimula itong mag-trai­ning sa Japan noong 2016.

“May mga bagay na akala ko hindi ko kayang gawin pero kaya ko pala. May mga routines na delikado talaga pero kaya ko palang gawin,” ani Yulo.

May pagkakataon na halos sumuko na ito dahil sa home sick.

Ngunit hindi bumitaw si Yulo dahil may nais itong maabot.

“Mahirap talaga yung training sa Japan at yung malayo sa pamilya pero nagsakripisyo ako dahil gusto ko itong ginagawa ko. Nagtiyaga ako dahil may gusto akong  maabot na pangarap,” ani Yulo.

Bukod sa gintong medalya, nakahirit din si Yulo ng t­iket sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan.

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with