Nesthy Petecio, Carlos Edriel Yulo
Yulo, Petecio naka-gold sa World Championships
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa iisang araw ay kumuha ng gold medal sina gymnast Carlos Edriel Yulo at boxer Nesthy Petecio.

Gumawa ng kasaysayan si Yulo matapos makasung­kit ng gintong medalya sa prestihiyosong 2019 FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Hanns Schleyer Halle sa Stuttgart, Germany.

Nagtala si Yulo ng impresibong 15.300 points buhat sa 6.500 (difficulty) at 8.800 (execution) para pagharian ang men’s floor exercise event.

“Mas confident po ako sa landing ko ngayon kaysa doon sa all-around finals last Friday. Malaking bagay din po iyon. It was God who gave me this gold because I could not have done it on my own,” wika ni Yulo.

Ang 19-anyos na si Yulo ang kauna-unahang Pinoy at Southeast Asian gymnast na nakakuha ng gintong medalya sa naturang world meet.

Sumuntok naman si Petecio ng gold medal nang ta­lunin si Russian rival Liudmila Vorontsova sa finals ng wo­men’s featherweight division sa 2019 AIBA Women’s Boxing World Championships sa Ulan-Ude, Russia.

Apat na karibal ang kinailangang talunin ni Petecio pa­ra maitakda ang kanilang gold medal match ni Voront­sova sa nasabing torneo.

Ang mga ito ay sina Jucielen Romeu, Stanimira Pet­rova, Qiao Jieru at Karris Artingstall.

Nauna nang nag-uwi si Petecio ng silver medal noong 2014 edition ng World Championships sa South Korea.

Tinalo naman ni Yulo si qualifying round topnotcher Artem Dolgopyat ng Israel na nagsumite ng 15.200 points (6.400 at 8.800) para magkasya sa pilak gayundin si 2018 World Championship floor exercise silver medalist Ruoteng Xiao ng China na siyang sumikwat ng tanso bit­bit ang 14.933 points (6.200 at 8.733).

Nagpasalamat naman si Yulo kay Japanese coach Munehiro Kugimiya na siyang humubog sa kanya sa loob ng anim na taon.

“I would like to thank coach Mune for helping me all throughout this journey. I am speechless because I did not expect to win because I thought the Israeli’s score was far too high,” wika ni Yulo.

“But I wanted to show everyone what I could do so I just wanted to do my best. Talagang napakasaya ko po,” dagdag pa ng Pinoy gymnast.

Masaya si Kugiyama sa narating ni Yulo, ngunit hin­di pa tapos ang laban dahil sasalang pa ang Pinoy bet sa 2019 Southeast Asian Games at sa 2020 Tokyo Olympics kung saan inaasahang babasagin ni Caloy ang ilang dekadang pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya sa Olympics.

Nakatakda sanang magtungo kaagad sa Tokyo sina Yulo at Kugiyama para ipagpatuloy ang training doon, ngunit nagpasya ang Gymnastics Association of the Philippines na dumaan muna sila sa Maynila para sa isang courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Ma­lacañang.

CARLOS EDRIEL YULO NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with