Umariba nang husto si dating Shakey’s V-League MVP Sue Roces na umiskor ng 20 points galing sa 16 attacks, 2 blocks at 2 aces para sa ika-10 pa­nalo ng Perlas Spikers.
Perlas Spikers pasok sa semis
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napasuko ng BanKo-Perlas ang PacificTown-Army, 25-27, 25-20, 25-22, 21-25, 15-9, para angkinin ang ikalawang tiket sa semifinals ng 2019 Premier Volleyball League Open Conference kahapon sa Uni­versity of St. La Salle Co­liseum sa Bacolod City.

Umariba nang husto si dating Shakey’s V-League MVP Sue Roces na umiskor ng 20 points galing sa 16 attacks, 2 blocks at 2 aces para sa ika-10 pa­nalo ng Perlas Spikers.

Mainit din si Dzi Gerva­cio na naglista ng 18 points, 12 digs at 9 receptions para sa Perlas Spikers.

Tangan ang 10-5 baraha, nakasiguro ang BanKo Perlas ng puwesto sa Final Four para samahan ang defending champion Creamline na nauna nang nagmartsa sa semis.

Nagparamdam naman si skipper Nicole Tiamzon nang gumawa ito ng 17 kills at 10 digs.      

Nanguna para sa Lady Troopers si Honey Royse Tubino na humataw ng 21 points tampok ang 2 blocks at 2 aces.

Nahulog ang PacificTown-Army sa 6-7 ka­salo ang Philippine Air Force.

Tuluyan nang masisibak ang Pacific Town-Army at Air Force kung maipapa­nalo ng Motolite ang huling laro.

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE OPEN CONFERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with