Calvin Oftana
Philstar.com/Luisa Morales
Oftana kinilalang NCAA Player of the Week
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinanghal ang MVP leading candidate na si Calvin Oftana bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week dahil sa kanyang ma­laking tulong sa malinis na 17-0 kartada ng ‘three-peat’ champions na San Be­da Red Lions sa 95th Sea­son NCAA men’s basketball tournament.

Sa kanilang ika­­lawang panalo laban sa Bla­zers, 95-73, ay nagtala si Oftana ng 29 points, 9 re­bounds, 5 assists at 2 steals para sa Red Lions.

Ang one-point halftime deficit sa Blazers ay na­ging 72-58 bentahe sa third quarter matapos umiskor si Of­tana ng 13 points na na­ging daan para sa malaking rally tungo sa paglapit sa asam na sweep sa elimination.

Nagtala si Oftana ng mga avera­ges na 14.6 points, 8.0 re­bounds, 2.6 assists at 1.2 blocks para pa­mu­nuan ang MVP race sa NCAA Season 95.

Naungusan ni Oftana si­na teammate James Kwe­kuteye, Noah Lugo ng Mapua, Allyn Bulanadi ng San Se­­bastian at Justin Gutang ng St. Benilde para sa nasabing lingguhang pa­rangal ng NCAA Press Corps.

CALVIN OFTANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with