Wala ang Santiago sisters na sina Jaja at Dindin ngu­nit nariyan ang Laure sis­ters na sina Eya at EJ pa­ra buhatin ang Tornadoes sa 3-3 rekord sa pagtatapos ng eliminasyon.
Foton Tornadoes pinatalsik ang Lifesavers
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatalsik ng Foton Tor­­nadoes ang Generika-Aya­la Lifesavers matapos isel­yo ang 21-25, 25-17, 27-25, 19-25, 15-11 desis­yon upang pa­­lakasin ang tsansa sa se­mifinals sa 2019 Philippine Superliga In­vitational Conference ka­ha­pon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Wala ang Santiago sisters na sina Jaja at Dindin ngu­nit nariyan ang Laure sis­ters na sina Eya at EJ pa­ra buhatin ang Tornadoes sa 3-3 rekord sa pagtatapos ng eliminasyon.

“Iyong first and fourth sets, wala kaming commu­ni­cation sa loob ng court, hindi namin nae-enjoy ‘yung game kaya sabi ni coach ibalik lang namin ‘yung communication at mag-enjoy lang kami,” sabi ni EJ.

Humataw si Eya ng 24 points mula sa 21 attacks, 2 blocks at 1 ace, habang bumanat naman si EJ ng 10 attacks at 1 block para banderahan ang opensa ng Foton.

“Feeling ko nakukuha na namin ‘yung peak. Iyong pagje-jell ‘yun ang impor­tan­te, ‘yung kilala namin ang isa’t isa,” ani Eya.

Bumanat nang husto ang Tornadoes sa attack line nang pakawalan ang 67 hits laban sa 56 ng Lifesavers.

Nakagawa pa ang Tor­na­does ng 30 errors na ka­ramihan ay galing sa service area.

Ngunit hindi ito nasamantala ng Lifesavers nang makagawa rin ng 23 errors.

Tinapos ng Generika-Ayala ang kampanya hawak ang 1-5 marka.

Awtomatikong uusad sa semis ang Foton kung ta­talunin ng Petron (6-0) ang PLDT Home Fibr (2-3) sa kanilang paghaharap.

Naglalaro ang Blaze Spi­kers at Power Hitters, ha­bang sinusulat ang balitang ito.

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA IN­VITATIONAL CONFERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with