^

PSN Palaro

Game plan ni Cone kapado na ni Fajardo

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Game plan ni Cone kapado na ni Fajardo
June Mar Fajardo
PhilStar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Bagama’t hindi siya nakasama sa inisyal na ensayo ng 15-man Gilas Pilipinas team ay madaling nakuha ni five-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ang gameplan ni national coach Tim Cone.

Kaya naman humanga ang two-time PBA Grand Slam champion coach sa taglay na ‘basketball IQ’ ng 6-foot-10 na San Miguel superstar center.

“It’s funny, I didn’t have to instruct him one thing. All he did was watch what everyone was doing and he picked it up just like that,” sabi ni Cone sa pagsama ni Fajardo sa ensayo ng Nationals noong Huwebes ng gabi sa Meralco Gym.

Naghahanda ang Gilas Pilipinas ni Cone para sa darating na 30th Southeast Asian Games at hangad ang ika-18 korona sa men’s basketball competition.

Bukod kay Fajardo, ang iba pang nasa ensayo ay sina Chris Ross, Marcio Lassiter at Christian Standhardinger ng San Miguel, LA Tenorio, Stanley Pringle, Scottie Thompson, Art Dela Cruz, Japeth Aguilar at Greg Slaughter ng Ginebra, Vic Manuel ng Alaska, Matthew Wright ng Phoenix, Troy Rosario, Jayson Castro at RR Pogoy ng TNT Katropa.

Isinisingit ni Cone ang pagsasanay ng Nationals sa gitna ng maigting na kampanya ng Beermen, Gin Kings, Tropang Texters, Aces at Fuel Masters sa kasalukuyang 2019 PBA Governor’s Cup.

Inaasahang matatapos ang season-ending confe-rence bago ang 2019 SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“I was trying to recognize that fact, and we’re not gonna push these guys too hard,” wika ng 61-anyos na si Cone. “We finished maybe in about an hour, an hour and 15, an hour and 30 minutes. That’s our target.”

Samantala, hindi na itinuloy ng Indonesia ang pagkuha kay PBA import Denzel Bowles bilang naturalized player para sa 2019 SEA Games.

Ayon sa Indonesia basketball federation, magkakaroon si Bowles ng problema sa chemistry ng mga Indons bukod pa sa sistema ni coach Rajko Toroman.

Si Toroman ang unang humawak sa Gilas Pilipinas program.

GILAS

PILIPINAS

TIM CONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with