Bacoor hiniya ang Cebu; Zamboanga wagi rin
(Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor si RJ Ramirez ng 28 puntos, 17 nito sa ika-apat na yugto upang iangat ang Bacoor Strikers sa 88-71 panalo kontra sa Cebu City Sharks sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup noong Huwebes ng gabi sa Strike Gym na Bacoor, Cavite.

Tumulong din ng 21 puntos si Gab Banal para makamit ang ika-pitong sunod na panalo at umakyat ang Strikers sa ikalawang puwesto sa 15-3 win-loss kartada sa likuran ng na­ngu­ngunang Davao Occidental Tigers (15-2) sa Southern Division.

“Tsamba lang,” sabi ni Ramirez sa kanyang walang mintis sa field goal sa 11-of-11 shooting kabilang na ang dalawang triples at 4-of-4 sa freethrow line.

Sa iba pang laro, ini­lampaso ng Zamboanga Valientes ang Pampanga Lanterns, 73-59 upang umangat sa 11-8 card habang ang Lanterns ay bumaba sa 10-7 record.

Pinangunahan ni Anton Asistio ang Zamboanga sa kanyang 17 puntos habang si Aaron Black ay tumulong ng 11 at 10 mula kay Alvin Pasaol.

Nagdiwang din ang Nueva Ecija Rice Vanguards matapos pataubin ang Soccsksargen Marlins, 89-50 para makamit ang ika-11 panalo sa 19 laro.

Ang Marlins ay nanatili sa ilalim ng standing sa 0-16 card.

BACOOR CEBU ZAMBOANGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with