Pinagtulungang i-blocked nina Rachel Anne Daquiz at Ranya Musa ng Cignal ang kill ni Jerrili Malabanan ng PLDT.
Jun Mendoza
Cignal ikinasa ang semis
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2019 - 12:00am

Laro Bukas (Caloocan Sports Complex)

2 p.m. – Cignal vs Petron

4 p.m. – F2 Logistics vs Generika-Ayala

6 p.m. – Marinerang Pilipina vs PLDT

Pinasadsad ng Cignal ang PLDT Home Fibr, 25-22, 25-19, 25-20 para masungkit ang unang sil­ya sa semifinals ng 2019 Phi­lippine Superliga Invitational Conference kahapon sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Mabilis na napatumba ng HD Spikers ang Power Hitters sa likod ni national team stalwart Mylene Paat para kubrahin ang ikalimang sunod na panalo ng Cignal.

Humakot si Paat ng 18 puntos mula sa 14 attacks, tatlong blocks at isang ace kasama ang walong digs habang umariba rin sina wing spikers Rachel Anne Daquis at Janine Navarro ng tig-13 hits para sa HD Spikers.

Nagpasiklab naman si Filipino-American playmaker Alohi Robins-Hardy  na may 19 excellent sets at limang puntos gayundin si libero Jheck Dionela na may 13 digs at anim na excellent receptions.

“We can’t afford to relax, knowing that we are still unbeaten. We need to learn how to avoid being complacent in the last stretch of this conference. We also have to be consistent every time,” ani Paat na bahagi ng national team na sasabak sa 2019 Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Nanguna para sa Po­wer Hitters si Far Eastern University standout Jerrili Malabanan na umiskor ng 15 points habang gumawa naman si Shola Alvarez ng 12 markers, 10 digs at siyam na receptions.

Dahil sa talo, nanga­nganib masibak ang PLDT na laglag sa 1-3 card.

2019 PHI­LIPPINE SUPERLIGA INVITATIONAL CONFERENCE CIGNAL PLDT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with