^

PSN Palaro

Milo suportado ang kampanya ng Team PH sa SEA Games RCadayona

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

Pinamunuan ng mga top officials ng Milo Pilipinas, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee ang pagsuporta ng nangungunang chocolate energy drink sa bansa para sa 30th Southeast Asian Games.

“As a longtime supporter of Philippine sports, it is with great honor and privilege that MILO comes in as a gold partner for the historic 30th SEA Games, “ wika kahapon ni Nestle Philipines-Milo vice-president Veronica Cruz.

Nakatakda ang 2019 SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Dumalo rin sa press conference sina Phisgoc chairman Alan Peter Ca­yetano, POC president Abraham Tolentino at PSC Commissioners Ramon Fernandez na kumatawan kay PSC chief at Chef De Mission William ‘Butch’ Ramirez.

Bumisita rin sina natio­nal athletes at Milo Sports Program graduates at ambassadors Alyssa Valdez (volleyball), Pauline Lopez (taekwondo) at Kiefer Ra­vena (MIlo BEST Center- basketball).

Ang temang “We Win As One” ay nagdiriwang sa pagkakaisa sa ‘diversity and herald’ para sa kaha­lagahan ng teamwork at sportsmanship sa mga Pinoy.

Ito ang ikaapat na pag­kakataon na pamamahalaan ng bansa ang nasabing biennial event matapos noong 1981, 1991 at 2005 na hinirang na overall champion ang Team Phi­lippines kung  saan umakto ring Chef De Mission si Ramirez.

2019 SEA GAMES

MILO

PHISGOC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with