Easy, coach!
Denied ang petition ng University of the Philippines na bawasan ang three-game suspension na isinampal ng UAAP Commissioner kay coach Bo Perasol.
Ibig sabihin, tuloy ang sintensya.
Nagwala kasi si coach sa third quarter ng laban sa Ateneo noong isang Linggo.
May play o plays na walang tawag ang referee. Pumutok ang butsi ni coach. Nilusob ang referee.
Nandilat ang mga mata ni coach at umambang babanatan ang referee.
Mabuti na lang at may mga umawat.
Hindi naman ganoon si coach. Ewan ko kung ano ang nag-udyok sa kanya. Ayaw paawat. Kung binitiwan lang siya, eh mukhang lulusob talaga.
Thrown out agad si coach at habang palabas ng court ay parang pumapalag pa.
Natalo sa laro ang UP at ngayon ay wala silang head coach sa tatlong games.
Umpisa kahapon laban sa FEU, tapos ay UE at UST.
Start na ng second round. Maganda ang standing ng UP at naghahangad umabot sa finals para makabawi sa pagkatalo last year sa Ateneo.
Umalma ang UP sa pagkaka-deny ng appeal nila.
Sabi ng abugado nila, “misguided” daw ang UAAP Commissioner sa desisyon nito at may “poor misunderstanding” daw ng rules.
Misguided na kung misguided ang Commissioner. Pero wala sana lahat ito kundi nagwala si coach.
- Latest