Ibinitin ni NorthPort rookie guard Robert Bolick ang kanyang tira laban kay Bobby Ray Parks Jr. ng Blackwater.
PBA Images
Blackwater nakabangon na
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagwakas na ang pagkauhaw sa panalo ng Blackwater.

Ilang beses mang naisuko ang double-digit lead sa second half ay nanatili naman sa kanilang porma ang Elite para patumbahin ang NorthPort Batang Pier, 107-98 sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ito ang unang panalo ng Blackwater matapos ang 0-2 panimula habang nalasap ng NorthPort ang pangatlong dikit nilang kabiguan para sa 1-3 marka.

“it just feels great to get a win,” sabi ni No. 2 overall pick Bobby Ray Parks Jr., kumolekta ng 21 points na tinampukan ng apat na three-point shots. “We’re definitely hungry for the win. Siyempre, bata pa kami each strive, each win is a big achievement for us.”

Humakot naman si import Marqus Blakely ng 13 markers, 14 rebounds, 7 assists at season-high na 8 blocks para sa tropa ni coach Aris Dimaunahan.

Ipinoste ng Elite ang 10-point lead, 51-41 mula sa ikatlong three-point shot ni Carl Bryan Cruz sa hu-ling 1:06 minuto ng second period hanggang maagaw ng Batang Pier ang 52-51 bentahe sa likod ni No. 3 overall pick Robert Bo-lick sa kaagahan ng third quarter.

Muling nakalayo ang Blackwater sa 64-57 patu­ngo sa pagtatala ng 18-point advantage, 94-76  mula sa fastbreak basket ni point guard Roi Sumang sa 5:59 minuto ng final canto.

BLACKWATER PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with