Pinay Spikers ipinagpag ang Vietnam
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Engrandeng sinimulan ng Pilipinas ang kampanya nito matapos ilampaso ang Vietnam sa pamamagitan ng 25-21, 25-23, 25-21 sweep para makuha ang unang panalo sa 2019 Asean Grand Prix second leg kahapon sa Sta. Rosa Multi-purpose Gym sa Laguna.

Mainit ang unang pagsalang ni Alyssa Valdez nang kumana ito ng 14 puntos mula sa 12 attacks at dalawang aces para pamunuan ang Pinay spikers sa panalo.

Umariba rin ng husto sina wing spiker Ces Molina at opposite hitter Mylene Paat na parehong nagtala ng 13 hits habang nag-ambag si First Leg Best Middle Blocker Majoy Baron ng siyam na puntos tampok ang tatlong blocks.

Maganda ang kumbinasyon nina playmaker Jia Morado na may 17 excellent sets at libero Dawn Macandili na nagtala naman ng 22 digs at 11 receptions sa panalo.

Dominado ng Pilipinas ang attack line matapos magsumite ng 48 kills laban sa 37 ng Vietnam.

May siyam na blocks at limang aces pa ang Pinays.

Nanguna para sa Vietnam si Hoang Thi Kleu Trinh na may 14 markers.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with