Best import
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2019 - 12:00am

Sari-saring reaction ang sumalubong sa suggestion ni Congressman Mikee Romero na ipatigil ang pagpasok ng foreign players sa mga collegiate leagues gaya ng UAAP at NCAA.

Namamayagpag nga naman ang mga ito sa loob ng basketball court na parang imports. Sa UAAP, lahat ng teams may foreign player. Sa NCAA, isa o dalawa lang ang wala.

Hindi gusto ni Cong. Mikee, na team owner ng NorthPort sa PBA, na kinailangan pa ng teams sa college level ang kumuha ng foreigners para lang tulungan sila mag-champion.

Karamihan ay sa African nations galing. Hindi sa America. Naka-enroll daw sa school kaya pwede maglaro.

Ang reigning MVP sa UAAP at NCAA ay mula Africa. Dapat sana, Pinoy ang MVP. Bigyan na lang ng special award ang pinakamagaling na foreigner.

Baka nga naman pag hindi ito matigil ay pati sa track and field, swimming, taekwondo rito eh puro foreigners na ang maglaro.

Ayaw ng iba ang suggestion ni Cong. Mikee. Mas okay daw ang may foreigners para raw matuto ang mga players natin. Payag naman ang iba.

Dati naman walang foreign players sa UAAP at NCAA.

Okay lang sa akin kung wala.

MIKEE ROMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with