2 cage finals sa PSA Forum
MANILA, Philippines — Dalawang cage finals ang tatalakayin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel Manila.
Bibisita ang mga kinatawan ng Marinerong Pilipino at BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa pang alas-10 ng umagang sesyon para pag-usapan ang kanilang best-of-three title series para sa 2019 PBA D-League Foundation Cup.
Makakasama nila sa weekly forum na inihahandog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang Women’s National Basketball League (WNBL) finalists PSI-Air Force Lady Air Defenders at Taguig Lady Generals.
Sina coach Diana Carandang at players Ambie Almazan, Anna Regina Buendia at Katherine Sandel ang magsasalita para sa Air Force sa sesyon na mapapanood sa PSA Facebook page na fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isinasaere via delayed basis sa Radyo Pilipinas 2.
- Latest