^

PSN Palaro

Marinerong Pilipino nakauna sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Marinerong Pilipino nakauna sa Finals
Nagpasabog si Byron Villarias ng pitong three-pointers para makalikom ng kabuuang 25 puntos upang pamunuan ang Skippers sa pag-angkla ng finals berth.
File

MANILA, Philippines — Suwabe ang paglalayag ng Marinerong Pilipino nang palubugin nito ang Technological Institute of the Philippines, 96-79 upang masungkit ang puwesto sa finals ng 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Paco Arena sa Manila.

Nagpasabog si Byron Villarias ng pitong three-pointers para makalikom ng kabuuang 25 puntos upang pamunuan ang Skippers sa pag-angkla ng finals berth.

Hawak ang dikit na 61-58 kalamangan, kumana si Villarias ng walo sa 17-0 run ng Marinerong Pilipino para makalayo sa 78-58 sa third quarter na naging matatag na pundasyon ng tropa para makuha ang panalo.

Nagdagdag naman si Jhonard Clarito ng 13 points, tatlong rebounds at tatlong assists habang bumanat si William McAloney ng 11 points at pitong boards gayundin si Santi Santillan ng 10 markers para sa Skippers.

“We’re happy na nasa Finals kami pero mas masaya siguro kung makuha namin yung championship,” ani head coach Yong Garcia na dinala ang Marinerong Pilipino sa kauna-unahang finals appearance sa liga.

Nagawa pang maitala ng Skippers ang 28 puntos na pinakamalaking kalamangan, 92-64 mula sa basket ni Jordan Rios, may 6:36 pang nalalabi.

Winalis ng Skippers ang best-of-three semifinals (2-0) matapos manalo sa Game 1 noong nakaraang linggo.

Sa ikalawang laro, ginulantang ng Centro Escolar University ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare, 83-68 para maipuwersa ang rubber match sa kanilang best-of-three semifinal series.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with