^

PSN Palaro

Pinoy skaters pursigidong pumitas ng gold sa SEAG

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pinoy skaters pursigidong pumitas ng gold sa SEAG
Margielyn Didal

MANILA, Philippines — Naging popular ang skateboarding sa Piipinas nang angkinin ni Margielyn Didal ang gold medal noong 2018 Asian Games.

Ang nasabing tagum-pay ni Didal ang inaasa-hang magiging inspirasyon ng mga national skaters sa kanilang pagsabak sa darating na 30th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Walang ipinangakong bilang ng gold medal si skateboarding president Monty Mendigoria, ngunit tiniyak na ibibigay ng mga atleta ang lahat ng kanilang makakaya para manalo sa event na gagawin sa Tagaytay City.

“Malaki ang chance natin, lalo na we are considered as a powerhouse in Southeast Asia,” wika ni Mendigoria, ang presidente ng Skateboarding and Rol-ler Sports Association of the Philippines (SRSAP).

“But of course we have to work really hard lalo na sa mga ensayo,” dagdag pa nito.

Walong ginto ang nakataya sa street event, game of skate at downhill events para sa men’s at women’s categories.

Bukod kay Didal, aasa­han din ng bansa sa 2019 SEA Games si Filipino-Americans Christiana Means at Jericho “Kiko” Francisco kasama ang walo pang skaters.

Hindi naman ibinigay ni Mendigoria ang final list ng mga Filipino skaters hanggang sa araw ng deadline ng submission of names ng SEA Games Federation.

vuukle comment

MARGIELYN DIDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with