Eumir Felix Marcial
Marcial nakuntento sa silver
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pilak na medalya ang maiuuwi ni two-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial mula sa prestihiyosong 2019 AIBA World Boxing Championships na ginanap sa Yekaterinburg, Russia.

Nagtamo si Marcial ng 0-5 unanimous decision loss kay eighth seed Bakshi Gleb ng Russia sa gold-medal match ng men’s middleweight (75 kgs.) division.

Mainit ang umpisa ng 23-anyos Pinoy pug nang makipagsabayan ito sa Russian fighter sa unang yugto ng laban.

Subalit tinamaan ng isang solidong left hook si Marcial sa unang bahagi ng second round dahilan upang bigyan ito ng standing eight count.

Mabilis na nakabangon si Marcial upang makabalik sa porma.

Sinubukan ng Zamboanga City pride na makuha ang knockout win sa mga sumunod na yugto ngunit mas maraming naikonektang suntok si Gleb na nagresulta pa sa isang cut sa kanang kilay ni Marcial para tuluyang makuha ang panalo.

Nairehistro ng hometown bet ng 29-28, 29-28, 29-27, 29-27, 29-28 iskor mula sa limang hurado.

“Marcial performed superbly but just got unlucky. But we need to get him to develop his own boxing brand, which he cannot do at home because of lack of sparring partners in his weight division. We need to get him (and our other big guys) appropriate training partners,” ani foreign consultant Don Abnett.

Si Marcial ang bukod-tanging Pinoy bet na nakapagbulsa ng medalya sa torneong nilahukan ng mahigit 300 boxers mula sa 78 bansa.

EUMIR FELIX MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with