Alyssa Valdez
Valdez sabik nang makalaro sa nat’l team
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sabik na si Premier Volleyball League Reinforced Conference MVP Alyssa Valdez na muling suotin ang national team jersey sa mga international competitions.

Hindi nakasama si Valdez sa national team sa first leg ng 2019 Asean Grand Prix matapos magtamo ng ankle injury ilang araw bago lumipad patungong Nakhon Ratchasima, Thailand.

“Gustung-gusto ko maglaro. Hindi ako tatanggi lalo na para sa bayan ‘yun. Kaya sana maging healthy ang lahat, no more injuries lalo na sa members ng national team,” ani Valdez.

Muling mahaharap sa panibagong problema ang Philippine volleybal dahil lalaruin ang second leg ng Asean Grand Prix sa Sta. Rosa, Laguna sa Oktubre 4 hanggang 6 - petsang may conflict sa schedule ng mga liga.

Apektado sina Valdez at Jia Morado ng Creamline Cool Smashers, Jovelyn Gonzaga ng Pacific Town-Army, Maddie Madayag ng Choco Mucho at Eya Laure ng University of Santo Tomas na naglalaro sa 2019 Premier Volleyball League Open Conference.

Base sa inilabas na schedule ng PVL, may laro ang Creamline (Valdez at Morado) laban sa Choco Mucho (Madayag) at ang pasok na sa semis na Pacific Town-Army (Gonzaga) laban sa PetroGazz sa PVL On Tour sa Iloilo City sa Oktubre 5 na pasok sa Asean Grand Prix second leg schedule.

Nakatakda ring su­malang ang UST (Laure) laban sa UAAP Season 81 champion Ateneo de Manila University sa semifinals ng PVL Collegiate Conference sa Oktubre 6.

Kaya naman umaasa si Valdez na makapag-usap ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. at ang pamunuan ng PVL para maayos ang schedule.

“Sana makapag-usap ang management at ang LVPI para maayos ang schedule at magkaroon ng magandang result,” ani Valdez na three-time UAAP MVP.

Problema ng LVPI ang schedule ng mga players.

Nauna nang nawala sa lineup sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat gayundin si middle blocker Mika Reyes na nagpapa­galing din sa injury.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with