Ateneo tinambakan ang NU
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinakita ng two-peat champion Ateneo Blue Eagles ang sobrang lakas matapos tambakan ang National University Bulldogs, 71-50 kahapon upang mapanatili ang malinis na kartada sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Muling nagpasiklab ng double-double performance ang Ivorian center na si Ange Kouame sa kanyang 15 puntos at 13 rebounds, pitong blocks, tatlong assists at dalawang steals para makamit ng Blue Eagles ang ika-limang sunod na panalo.

Umabot pa sa pinakamalaking 25 puntos, 65-40  ang bentahe ng Katipunan-based team sa jumper ni Adrian Wong mahigit apat na minuto na lang ang natitira sa laro para sa kumpletong dominasyon laban sa Bulldogs na patuloy pa rin ang paghahanap sa unang panalo sa limang laro (0-5).

Tumulong din ng 13 puntos si Gian Mamuyac na may kasamang tatlong rebounds at walong puntos mula kay Thirdy Ravena para sa pagpapahiwatig sa asam na tatlong sunod na titulo.

Sa mahigpit na depensa nina Kouame, Ra-vena, Mamuyac at Wong, tanging si Dave Ildefonso lamang ang umiskor ng double-digits para sa Bulldogs habang ang kanyang kapatid na si Shaun ay umani lamang ng siyam at walo kay Senegalese Issa Gaye.

Sa iba pang laro, pinadapa naman ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang Far Eastern University Tamaraws, 82-74 para manatili sa ikatlong puwesto sa 4-2 win-loss kartada at ibagsak ang Morayta-based FEU sa sosyohan sa ika-limang puwesto kasama ang De La Salle Green Archers sa parehong 2-3 card.

Nagpa-ulan ng apat na triples si Sherwin Concepcion sa second half para tumapos ng 12 puntos habang ang Beninese center na si Soulamane Chabi Yo ay umani ng 21 puntos sa 8-of-13 shooting sa field at 15 rebounds para sa UST ni coach Aldin Ayo.

BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with