Coach Tim
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

Hindi nahirapan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na humanap ng kapalit ni Yeng Guiao bilang head coach ng Gilas.

Si Tim Cone ang napili nila.

Kahit alam natin na super busy na siya sa Ginebra at sa kakalaro ng tennis sa kanyang free time, siguradong hindi tatanggihan ni coach Tim ang offer.

Para sa SEA Games sa November ang unang latag ng SBP. At kung maganda ang itatakbo ng programa ay tuluy-tuloy na ito hanggang sa Asian Games sa 2022 sa China at sa FIBA World Cup sa 2023 sa Maynila.

Kung papalarin, aabot pa sa Olympics sa 2024 sa Paris.

Pero ‘wag muna tayong lumayo sa usapan. Balik muna tayo sa nalalapit na SEA Games kung saan halos unbeatable ang Pilipinas.

Kahit sinong PBA team tingin ko ay siguradong kayang ipanalo ang gold dito. Baka nga selection lang ng UAAP at NCAA ay pwede na mag-champion.

No problem ang SEA Games para kay coach Tim na magkakaroon ng free hand piliin ang players mula sa 24 pangalan na hinanda ng SBP, kasama na rito sina Christian Standhardinger, Stanley Pringle at ang 7-footer na si Kai Sotto.

Hindi naman bago sa kanya ang trabaho dahil nung 1998, nag-coach na rin siya sa Asian Games at nanalo ng bronze medal.

Malapit na ang SEA Games kaya kailangan bilisan ang kilos. Binigyan na ng San Miguel Corp. ng go-signal si coach Tim na kunin ang trabaho. Pero kakausapin daw muna niya ang kanyang pamilya.

Alam ko na ang sasabihin ni coach sa kanyang asawa at mga anak.

“I accepted the offer.”

Tapos ang usapan.

TIM CONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with