^

PSN Palaro

Flying Titans nakalipad uli

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinailangan ng Choco Mucho na magbanat ng buto bago ilusot ang 32-34, 25-12, 23-25, 25-18, 15-11 panalo laban sa Chef’s Classic upang makabalik sa porma sa 2019 Premier Volleyball League Open Conference kahapon sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Muling nagpasabog ng kaliwa’t kanang atake si opposite hitter Kat Tolentino para buhatin ang Flying Titans sa ikatlong panalo sa siyam na pagsalang at manatiling buhay ang pag-asa nitong makahirit ng tiket sa semifinals.

Halimaw ang dating A­teneo standout na si Tolentino na kumana ng 36 puntos mula sa 28 attacks, limang aces at tatlong blocks para palakasin ang kanyang tsansang makopo ang Most Valuable Player at Best Opposite Spiker awards sa kumperensiyang ito.

Nakatulong ni Tolentino sina middle blockers Shannen Palex at Arianne Angustia gayundin sina Bang Pineda at playmaker Mary Grace Masangkay para putulin ang five-game losing skid ng Flying Titans.

Nagawang maipanalo ng Choco Mucho ang laban sa kabila ng pagkawala ni middle blocker Maddie Madayag na kasama ng national team sa 2019 A­sean Grand Prix sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Nagbigay ng magandang laban ang Red Spi­kers ngunit kapos pa rin ang kanilang produksiyon para tuluyang mahulog sa 0-10 marka.

Nasayang ang paghihirap ni San Beda University outside hitter Nieza Viray na siyang nanguna sa panig ng Chef’s Classic.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with