Naiiwas ni Justin Watts ng Alaska ang kanyang tira sa tangkang supalpal ni Andreas Cahilig ng Columbian sa aksyong ito sa PBA.
Joey Mendoza
Dyip binundol ang Aces
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Parang hindi nangga-ling si No. 1 overall pick CJ Perez sa mabigat na labanan sa nakaraang 2019 FIBA World Cup sa China.

Nagtambal sina Perez at import Khapri Alston para tulungan ang Columbian sa 117-110 paggupo sa Alaska sa pagbubukas ng 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Humakot ang 6-foot-3 na si Alston ng 38 points, 22 rebounds, 4 assists at 3 steals habang kumolekta si Perez ng 28 markers at 13 boards para sa unang panalo ng Dyip.

“Even though he is just 6-3, he plays like a 6-10,” sabi ni coach Johnedel Cardel sa malapad at ma-lakas na si Alston.

Naging mapait naman ang debut ni Jeffrey C­ariaso bilang bagong head coach ng Aces.

Matapos magtabla sa halftime, 56-56 ay kumamada ang Columbian sa third period para makalayo sa 78-71 bago nakumpleto ni Alston ang kanyang three-point play para sa kanilang 90-77 bentahe sa huling 47.8 segundo sa third period.

Hindi naman nawalan ng pag-asa ang Alaska at nakalapit sa 96-102 sa likod ni import Justin Watts sa huling 5:08 minuto ng fourth quarter.

Huling naghamon ang Aces sa 101-107 mula sa basket ni Abu Tratter sa nalalabing 1:25 minuto ng bakbakan.

Dalawang free throws ni Perez at isang fastbreak basket ni Glenn Khobuntin ang muling naglayo sa Dyip sa 111-104 sa natitirang 56.3 segundo para selyuhan ang kanilang panalo.

Nagdagdag si Khobuntin ng 16 points kasunod ang tig-11 markers nina Rashawn McCarthy at Juami Tiongson para sa Columbian.

Pinamunuan naman ni Watts ang Alaska mula sa kanyang game-high na 40 points.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with