Galing sa dalawang sunod na panalo ang Fighting Maroons kaya inaasahan na dadalhin nila ang momentum sa pakikipagtuos sa UE Red Warriors sa alas-2 ng hapon.
File
UP, Adamson may kanya-kanyang misyon
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng University of the Philippines Fighting Ma­roons ang pang-apat na panalo sa pagharap kontra sa UE Red Warriors ngayon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Galing sa dalawang sunod na panalo ang Fighting Maroons kaya inaasahan na dadalhin nila ang momentum sa pakikipagtuos sa UE Red Warriors sa alas-2 ng hapon.

Hangad naman ng A­damson Soaring Falcons ang back-to-back win sa kanilang upakan ng De La Salle Green Archers sa alas-4 ng hapon.

Ang Taft-based DLSU ay gusto ring bumangon mula sa dalawang sunod na talo, ang huli ay sa FEU Tamaraws, 55-66 noong Miyerkules. Nabigo rin ang Green Archers sa mga kamay ng UE Red Warriors, 88-89 noong Setyembre 14 kaya bumaba sila sa ika-pitong puwesto kasama ang UE sa parehong 1-3 win-loss kartada.

Inaasahan ang muling paghataw ni Kobe Paras para sa UP kung saan nag-averaged ang 6’6 forward ng 22.5 puntos kada laro sa una niyang dalawang laro sa Katipunan-based team.

Matapos sa 1-1 simula bumawi ang Fighting Maroons ng dalawang sunod kabilang na ang 82-83 overtime win sa Adamson noong Sept. 15 at sinundan ng 80-79 panalo laban sa NU Bulldogs noong Sept. 18 para umakyat sa solo second spot sa 3-1 slate sa likuran ng lider at two-peat champion Ateneo (4-0).

Bukod kay Paras tiyak ding sasandal si coach Bo Perasol sa magkapatid na sina Javi Gomez de Liaño at Juan GDL, Ricci Rivero, Jun Manzo, David Murrell, Frederick James Tungcab Jr. at Bright Akhuetie.

Itatapat naman ni head coach Bong Tan Jr. sina Rey Suerte, Niel Tolentino, Paul Conner, Philip Manalang, John Apacible, Jed Mendoza at 6’9 Se-negalese Adama Diakhite upang sundan ang panalo kontra sa DLSU.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with